gigising ng mga 10am, manood saglit, kakain, maliligo, magbibihis, aalis na,
pero bago yun, sisiguraduhin muna na walang nakalimutang dalhin. Pero nung linggo, may nakalimutan ako dalhin, yung cellphone ko. Ewan ko ba kung bakit hindi ko nadala. dati naman, lagi ko siyang hawak bago umalis. Parang lutang lang ako. haha
Di ko naman malalaman na nakalimutan ko eh, nagkataon lang na may mga naka-save na mga pahina ng mga istorya mula sa site na Wattpad na nais kong basahin. Kaya ayun, naalala ko. Ngunit nung maalala ko ay huli na, ako'y nakasakay na ng traysikel na maghahatid sa akin sa may sakayan ng dyip. Sayang, kung sana ay naalala ko agad.
Nung mga panahong napag-alaman ko na nakalimutan ko ang aking cellphone ay medyo nalungkot ako. Lagi ko kasi siyang kasama at ginagamit., lalo na kapag wala akong ginagawa at gusto kong wag muna gumawa nang mga bagay na dapat gawin. haha katamaran eh?
nung malaman ko na hindi ko siya nadala, parang nakadama ako ng kahungkagan. :) haha. Pero totoo, parang bigla na lang may kulang! Hindi maganda sa pakiramdam.
Yung pakiramdam na kahit hindi mo ginagamit, alam mong andiyan lang siya at maaari mong magamit ay iba sa pakiramdam na hindi mo siya magagamit kasi wala na siya sa iyo.
Pero siguro may magandang maidudulot iyon sa akin. malalaman ko, Isang buong linggo ko din siya hindi magagamit eh..
No comments:
Post a Comment